Habagat, nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa

by Radyo La Verdad | August 3, 2018 (Friday) | 2286

Apektado pa rin ng habagat ang malaking bahagi ng bansa.

Base sa forecast ng PAGASA, kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Palawan, Mindoro, Romblon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM.

May papulu-pulo ring pag-ulan sa Metro Manila, Marinduque, Calabarzon, Bicol Region at nalalabing bahagi ng Visayas at ng Mindanao.

Posibleng magkaroon ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.

Sa ngayon ay walang LPA o bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) na makakaapekto sa bansa.

 

Tags: , ,