Apektado pa rin ng habagat ang malaking bahagi ng bansa.
Base sa forecast ng PAGASA, makakaranas ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang Mimaropa, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas at ang Western Visayas.
Posibleng magkaroon ng pagguho ng lupa at pagbaha sa mga nasabing lugar. Ang Metro Manila ay makakaranas din ng mga kalat-kalat na mga pag-ulan maging sa nalalabing bahagi ng bansa.
May mga binabantayan namang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa silangan ng Visayas.
Mapanganib namang pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Occidental Mindoro, kasama na ang Lubang Island, Palawan at Calamian Group of Islands.