Gusaling gawa sa bio-dynamic concrete, tumutulong sa paglinis ng hangin

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 1638

The-Palazzo-Italia
Trending ngayon ang gusaling “The Palazzo Italia,” sa Milan, Italy dahil sa kakayanan nitong makapaglinis ng hangin.

Gawa ang exterior ng gusali sa semento at titanium dioxide na siyang nakakasagap ng nitrogen-oxide, isa sa pangunahing pollutant sa kombinasyon ng hamog at usok o smog.

Gumagamit din ang gusali ng glass roof na gawa ng solar panels at recycled na marble at granite upang mas maging eco-friendly ito.

Layunin ng mga arkitektong nagdisenyo sa gusali na gamitin ang teknolohiyang ito ng iba pang building developers.

(UNTV RADIO)

Tags: , , ,