Guro at mga estudyante na nagsasagawa ng klase kahit baha sa loob ng classroom, viral sa social media

by Radyo La Verdad | July 18, 2018 (Wednesday) | 6482

Tuloy-tuloy na buhos ng ulan, malakas na ihip ng hangin at mataas na baha.

Sa mga ganitong panahon, nakaabang na ang mga magulang at mag-aaral sa deklarasyon ng class suspension. Karaniwang linya na ng mga mag-aaral, “hindi po kami waterproof”.

Ngunit nitong nakaraang araw, nag-viral ang facebook post ni Aurelia de Guzman, isang guro sa Bulacan kung saan tuloy pa rin ang klase sa kabila ng baha.

Aniya, ang baha ay dulot ng high tide sa kanilang lugar. Dahil sa dedikasyon sa kanyang tungkulin at sa mga batang desididong matuto, hinangaan ito ng mga netizen.

Samantala, ang iba naman ay nag-aalala sa kalagayan ng mga ito.

Ayon pa sa ilan, sa ganitong sitwasyon ay dapat suspendihin na lamang ang klase.

Samantala, una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) patungkol sa panganib ng leptospirosis na makukuha mula sa baha.

Kaya naman dapat ay doble ingat ngayong tag-ulan at tandaan na ang ating kaligtasan ay dapat laging una sa ating prayoridad.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,