Gun Control Law, ipinasa na sa estado ng Hawaii sa Amerika

by Radyo La Verdad | June 27, 2016 (Monday) | 1820

GUN-CONTROL
Ipinasa na ng Hawaii ang Gun Control Law.

Naglalayon itong isailalim ang lahat ng gun owner sa isang criminal record database.

Nilagdaan ni Hawaii Governor David Ige ang batas sa layuning mabantayan ang mga nagmamay ari ng baril laban sa paggamit nito sa anumang krimen.

Dahil dito, automatikong isasailalim ang sinumang bibili at magpaparehistro ng baril, sa FBI criminal monitoring service o sa tinatawag na “rap back”.

Sa pamamagitan nito agad malalaman ng pulisya sakali mang maaresto ang may-ari saan mang bahagi ng America.

Ang Hawaii ang kaunaunahang estado sa Amerika na nagpasa ng batas sa gun control sa gitna ng mainit na debate kaugnay dito dahil sa sunod sunod na krimen bunsod ng maluwag na patakaran sa pagmamayari ng baril sa Amerika.

Kahapon, dalawang magkahiwalay na shooting incident na naman ang naganap sa Amerika; dalawa ang nasawi sa isang dance studio sa Texas at tatlo naman sa isang bahay sa Maryland.

(Cherie Pama / UNTV Correspondent)

Tags: , ,