Gun ban kaugnay ng barangay at SK elections sa Oktubre, magsisimula na sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | September 15, 2017 (Friday) | 5550

Ipatutupad na ng Commission on Elections sa Septermber 23, araw ng Linggo ang gun ban kaugnay ng nakatakdang baranggay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.

Batay sa Resolution Number 10197 na inilabas ng COMELEC, ipinagbabawal na ang pagdadala ng armas at mga patalim sa labas ng bahay at pampublikong lugar. Gayundin ang pagbyahe at pagdedeliver ng mga baril, bala, mga pampasabog at anumang katulad nito.

Simula naman sa September 21 ay tatanggap ang COMELEC Committee on the Ban of Firearms and Security Personnel ng aplikasyon para sa mga nais na magkaroon ng authority na magbibitbit o pagbabyahe ng mga armas at mga patalim.

Tatagal ang gun ban hanggang sa October 30, 2017

Tags: , ,