Guidelines sa pag-aresto ng hindi pagsusuot ng face mask, tapos na ng DOJ

by Erika Endraca | May 11, 2021 (Tuesday) | 33488

METRO MANILA – Handa na ang Department Of Justice (DOJ) para ipresenta sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang guidelines hinggil sa pag-aresto ng mga lalabag sa health protocols.

Subalit, tumanggi pa ang DOJ na ihayag kung ano ang mga nakasaad na mga bagong probisyon sa panuntunan na kanilang binalangkas.

Ayon kay Secretary Menardo Guevarra, makikipag-ugnayan at tatalakayin pa nila ito ng DILG.

Ang tanging malinaw sa ngayon ay hindi kasama ang aspetong legal dito kundi sa proseso lamang ng pag-aresto, pagditene at posibleng pagsasampa ng kaso.

Una nang sinabi ng DOJ, ipinag-utos sa kanila ng pangulo na balangkasin ang guidelines dahil sa mga komplikasyon na maaaring mangyari sa pag-aresto sa mga lumalabag tulad ng pagsisiksikan sa kulungan o detention centers.

Dapat masiguro pa rin aniya na masusunod ang minimum health standard dahil kung hindi ay mababalewala lamang ang dahilan ng pag-aresto sa mga violator.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: ,