Guidelines para sa deployment ng domestic workers sa Kuwait, ilalabas na sa susunod na linggo – DOLE

by Radyo La Verdad | May 24, 2018 (Thursday) | 3964

Inaasahang mas magiging mahigpit ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa panuntunan nito sa pagpapadala ng domestic workers sa Kuwait.

Ito ay kasunod nang paglagda ng Pilipinas at Kuwaiti government sa memorandum of understanding (MOU) kaugnay ng pangangalaga sa karapatan ng mga overseas Filipino workers (OFW).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, posibleng ilabas na ang bagong guidelines sa OFW deployment sa susunod na linggo. Hihigpitan ng POEA ang pagsala sa mga magtatrabahong household workers sa Kuwait.

Ayon sa DOLE, aabot sa 262 libo ang ofw sa Kuwait at 170 libo dito ay mga household workers.

Nais naman malaman ni Senator Joel Villanueva ang ilan pang detalye sa MOU, partikular na kung ano ang protocol sakaling may kailangang sagipin na OFW sa Kuwait.

Humiling ng executive session kahapon ang mga opisyal ng DOLE, POEA at DFA sa ilang senador kaugnay ng ilang mga detalye sa MOU ng Kuwait at Pilipinas.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,