METRO MANILA – Pinahintulutan nitong Enero ang pagkakaroon ng limited face-to-face classes sa ilang piling pampubliko at pribadong unibersidad sa Pilipinas.
Kahapon, iniulat ng Commission on Higher Education (CHED) na may 56 na indibidwal ang nagpositibo sa COVID-19.
Kabilang dito ang 41 estudyante at 15 school personnel na pawang nagkaroon lamang ng mild symptoms at gumaling na lahat.
Ayon sa CHED, kulang 1% lamang ang bilag na ito sa 118 public and private universities na nagsasagawa ng face -to -face classes.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, nangangahulugan ito na epektibo ang ipinatutupad na health guidelines .
“Out of all the students that are part of the limited face-to-face classes, the infection rate was very, very low. It is 1%, it is. 03% of the students got infected. All of the students gumaling na, walang namatay. So that means, our guidelines are working,” ani CHED Chairman, Prof. Prospero De Vera III.
Ayon pa sa CHED, 76% na ng mga estudyante at 95% ng faculty members ang nabakunahan na kontra COVID-19.
“So we have another layer of protection for the students and faculty. Kaya medyo maganda iyong resulta ng limited face to face na pinayagan ng pangulo.” ani CHED Chairman, Prof. Prospero De Vera III.
Sa ngayon, tanging ang mga medical courses palang ang pinapayagan sa face-to-face classes pero plano ng CHED na palawigin pa ito sa ibang mga kurso na nangangailangan ng actual traning.
Kabilang dito ang mga kursong engineering, maritime, at hotel and restaurant management.
Naiendorso na ito ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte at tanging pagsang-ayon nalang ng pangulo ang hinihintay.
(JP Nunez | UNTV News)
Tags: CHED, Face-to-Face Class