GSP + scheme ng European Union, may malaking bentahe para sa bansa – Sen. Villar

by Radyo La Verdad | October 20, 2015 (Tuesday) | 3364

vlcsnap-2015-10-20-13h39m12s702

Binigyan diin ni Sen. Cynthia Villar chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food ang pakinabang ng Pilipinas bilang natatanging bansa sa Association of SouthEast Asian Nations (ASEAN) na tinanggap sa GSP+ program ng European Union (EU).

Sa ilalim ng GSP o Generalised Scheme of Preferences, pinahihintulutan nito ang exporters ng isang umuunlad na bansa na mag export sa European Union member countries ng walang taripa o zero tariff.

Sa pamamagitan nito mas makakapag access ang Pilipinas sa EU markets at magkakaroon ng kontribusyon sa kanilang economic growth.

Ayon kay Senator Villar matutulungan nito ang pilipinas na maiangat ang larangan ng trade, exports at makahikayat ng foreign direct investments.
Nagtungo ang Senador sa cologne, germany upang magsalita sa Philippine Business Forum of the Anuga fair, ang pinakamalaki at pinakamahalagang food at beverage fair sa buong mundo.

Sinabi ni Villar na batay sa pag-aaral ng Department of Trade and Industry (DTI), sa ilalim ng GSP+, tataas ang Philippine exports sa 611.8 million euros sa unang tatlong taon ng availment.

Ipinahayag din niya na ang mga pagbabago sa fisheries code of 1998 na pumipigil o mag-aalis sa illegal, unreported, at unregulated fishing ang naging sanhi para makasama ang Pilipinas sa GSP+ scheme.

Noong 2013, ang Pilipinas ay nag-export sa EU ng PHP9.4 bilyong halaga ng fish products, partikular ang tuna.(Bryan De Paz/UNTV Correspondent)

Tags: ,