UNTV Cup: GSIS Furies wagi kontra PNP Responders; 87-83

by Radyo La Verdad | September 10, 2018 (Monday) | 14141

PASIG CITY, Metro Manila – Ginulat ng GSIS Furies ang Season 5 Champion PNP Responders sa kanilang sagupaan kahapon sa elimination round ng UNTV Cup Season 7 sa Pasig City Sports Center.

Nagpaputok ng 31 points, 10 rebounds, dalawang assist at isang block si James Patrick Abugan kaya tinanghal na best player of the game upang pangunahan ang GSIS sa kanilang makapigil hiningang tagumpay.

Kabilang dito ang napakahalangang 3 point shot na bumuhay sa pag-asa ng GSIS sa last 2 minutes and 26 seconds ng ball game upang tapyasan sa dalawang puntos ang abante ng PNP, 81 – 79 at ang 3 seconds play winning shot na nagbigay ng dalawang puntos na abante sa gsis sa last 20 point 6 seconds ng ball game, 83 – 85.

Sinikap na maghabol ng PNP ngunit kinapos na sila ng oras hanggang sa tumunog ang buzzer sa final score na 87 – 83.

Una rito ay nagawa pang tambakan ng kinse puntos ng PNP ang GSIS bago magtapos ang third quarter at anim na puntos sa first quarter, 21 – 15 bago naitabla ng GSIS sa 37 points sa second quarter.

Ayon kay playing coach na si Rene Boy Banzali, ang matatag na determinasyong manalo ang naging susi ng kanilang koponan upang manalo.

Nag-ambag si Banzali ng 27 points at kinse puntos naman si Kenneth Ilano.

Nanguna naman sa PNP si Ollan Omiping na may 20 points at bago nilang player na si Po1 Rollie Serrano na may 16 points.

Samantala, nabigo naman na makasungkit ng panalo sa kanilang unang laban ngayong season ang nagbabalik na PhilHealth Plus laban sa Department of Agriculture Food Masters sa score na 105 – 95.

Bagama’t abante ng apat na puntos ang PhilHealth sa first quarter, 28 – 24 at 54 – 49 sa second quarter, nakahabol ang Food Masters sa second half ng magpalit ng diskarte si Coach Zaldy Realubit.

Kaya naman abante na ang DA sa third quarter sa score na 75 – 74, hanggang sa tuluyan na nilang kontrolin ang ballgame sa last quarter.

Best players of the game sina Emerson Orete na may 23 points at si Christian Demetera na may 21 points.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,