Grupong ACTO, magsasagawa ng kilos protesta kontra sa pag-phase out ng mga lumang school service

by dennis | May 6, 2015 (Wednesday) | 1272

IMAGE_UNTV-News_JUN142013_LTFRB_winston-ginez_school-service

Magsasagawa ng kilos protesta ang grupong Alliance of Concerned Transportation Organization o ACTO at mga school service operator ukol sa pagpapa-phase out ng kanilang school services na edad 15 taon pataas.

Ayon kay ACTO chairman Efren De Luna, wala pang kapasidad ang mga may-ari ng school services na bumili ng bagong sasakyan at kahit 15 taon o mahigit na ang mga ito, maganda pa rin ang kundisyon dahil sa umaga at hapon lamang ito ginagamit.

Panawagan naman ng ilang may-ari ng school services gaya ni Zenaida San Pedro, bigyan pa sana sila ng isang taong palugit upang mapaghandaan nila ang pagbili ng bagong sasakyan at tulungan sana sila ng LTFRB na maghanap ng mauutangan na walang interest.

Ayon namam kay LTFRB Chairman Atty. Winston M. Ginez, dapat ay 2013 pa ito ipinatupad at sapat na ang dalawang taong palugit ng LTFRB para dito.(Joms Malulan/UNTV Radio)