Grupo vs sa umanoy paglabag sa karapatang pantao ng Duterte Administration

by Radyo La Verdad | August 29, 2017 (Tuesday) | 3616

Emosyonal si Marian habang ikinuwento ang pagkamatay ng kanyang tatay at kapatid sa anti-illegal drugs operation ng PNP.

Isa si Marian sa inihalimbawa ng iba’t-ibang organisasyon at personalidad sa pagbuo nila ng isang grupong tinawag nilang “Movement Against Tyranny”

Layunin ng grupo na pigilan ang umano’y paglabag sa kaparatang pantao, pakikialam sa trabaho ng kongreso, Office of the Ombudsman, Commission on Human Rights, media at oposisyon ng administrasyon.

Magsasagawa ng kilos-protesta ang grupo sa Luneta sa darating na September 21, ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law sa ilalim ng rehimeng Marcos.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,