METRO MANILA – Naniniwala ang mga pribadong ospital na kailangang ibalik na ang mask mandate dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases, at respiratory illnesses.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated President Dr. Jose De Grano, bagaman nakahanda ang mga pribadong ospital na tumanggap ng mga COVID-19 patients, mas maiging ibalik ang panuntunan ng pagsusuot ng face mask lalo’t may mga kaso silang naitatala sa ospital na incidental COVID-19 cases,
Ito yung mga nagpupunta sa ospital upang magpatingin ng ibang karamdaman ngunit napag-alamang positibo din sa COVID-19.
Tags: Covid-19, Mask, Private Hospitals