Naniniwala ang Federation of Philippine Industry na maganda ang magiging epekto sa pagpapababa sa income tax rate.
Partikular na sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Sa bersyon na isinusulong sa kamara, ang House Bill 5401 o Personal Income Tax Bill, mula sa 32% na income tax rates na sinisingil sa mga manggagawang pilipino.
I-exempt na ang mga pamilyang kumikita ng 396 thousand pesos kada taon upang mai-preserba ang monthly living wage na 33,000 thousand pesos kada buwan.
Maging sa pagbabago ng income brackets sa binabayarang tax ay plano ring baguhin ng panukalang batas.
Suportado naman ng ilang senador at kongresista ang pagsusulong sa panukalang tax reduction.
Ngunit sa kabila nito, patuloy na naninindigan ang Malakanyang na hindi kailangang bawasan ang tax income rates.( Nel Maribojoc / UNTV News)