MANILA, Philippines – Magpo-protesta ngayong araw (Hunyo 11) sa Quezon City Circle ang ilang grupo ng mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver at operator na kasama sa made-deactivate sa system ng Grab Philippines.
Ito ang mga partner drivers na walang pa ring provisional authority o prangkisa mula sa Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay Leonardo De Leon na Presidente ng Hatchback Community, hindi makatwiran ang gagawing deactivation sa ilang driver dahil inaasikaso naman nila ang pagkuha ng prangkisa.
Ang problema aniya ay hindi pa rin pinapayagan ng LTFRB ang mga hatchback na sasakyan na mag-operate bilang TNVS gayong dati na naman silang naka rehistro sa Grab.
“Based po sa Memorandum Circular na inilabas nila noong February 2018 binibigyan ng three years transition period ang hatchback pero ito kung may 3 taon na transition period dapat po tanggapin nila yung mga nag-aapply na nasa platform na ni Grab” ani Hatchback Community Chairman, Leonardo De Leon.
Nagrereklamo rin ang mga ito sa anila’y pahirapan at mabagal na pagpo-proseso ng mga requirement sa LTFRB upang makakuha sila ng prangkisa.
Ilan sa mga ito anila ang pagkuha ng bank confirmity, proof of financial capability , assume balance issue at ang umano’y pahirapang pagdalo sa mga hearing upang makakuha ng Ceritificate of Public Convenience.
Sa desisyon ng LTFRB noong nakaraang taon, pinayagan nito ang pago-operate ng mga hatchback bilang TNVS subalit sa Metro Manila lamang.
Habang binibigyan sila ng 3 taong transition period bago i-phase out ang kanilang sasakyan na mangyayari pa sa taong 2021.
Ngayong araw (Hunyo 11) ay nakatakdang humarap sa LTFRB ang mga opisyal ng Grab PH, upang ipaliwanag ang biglaang pagde-deactivate ng nasa 8,000 mga partner driver nito.
Sa inilabas na pahayag ng Grab PH sinabi nito na sisimulan nila mamayang gabi ang pag-deactivate sa mga TNVS na walang prangkisa kabilang na ang ilang driver ng hatchback.
Una ng nagbabala ang Grab na posibleng tumaas ang pamasahe at magiging pahirapan ang pagbook ng byahe dahil sa deactivation ng 8,000 drivers.
Samantala kahapon (Hunyo 10) ay sinimulan na ng LTFRB ang aplikasyon sa 10,000 slot para sa karagdagang TNVS.
Ito’y upang mapunuan ang 65,000 supply cap na itinakda ng LTFRB para sa mga TNVS na magseserbisyo sa mga pasahero.
(Joan Nano | UNTV News)
Tags: Grab PH, LTFRB, TNVS driver
METRO MANILA – Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala nang extension sa provisional authority to operate ng mga jeep na hindi nakapasok sa franchise consolidation.
Binigyang-diin ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na hindi na nila nais pag-aralan pa ang nasabing request ng ibang mga driver at operator dahil nakatuon na sila ngayon sa implementasyon ng modernization program.
Sinimulan na ng ahensya ang crackdown sa mga colorum na jeep gamit ang ibang pamamaraan dahil wala pang available na guidelines para sa on the ground apprehension ng unconsolidated jeepneys.
Wala pang approval ng Department of Transportation (DOTr) ang dapat gawin ukol dito.
Kailangan namang magpakita ng papeles ng isang jeep na mahuhuling hindi rehistrado para mapatunayan na sila ay nakapag-consolidate kapag tinubos na nila ito.
METRO MANILA – Inisyuhan na ng show cause order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng jeep na nag body shame sa isang pasahero noong June 7.
Ipinatatawag ng LTFRB ang may-ari ng jeep na sangkot sa insidente at pinadadalo sa isang pagdinig na gaganapin sa Biyernes ng alas dos y medya ng hapon.
Nag-ugat ang isyu mula sa post ng pasaherong si Joysh Gutierrez.
Kwento nito, pinababa siya ng driver ng jeep na kaniyang nasakyan, dahil umano sa pagiging mataba ng kaniyang pangangatawan.
Kinunan niya ito ng video, at dumulog sa kinauukulan upang ireklamo ang pangbabastos at pamamahiya sa kaniya ng driver.
Muli namang ipinaalala ng LTFRB na hindi maaaring mamimili ng pasahero ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan, at lalo’t higit na ipinababawal ang pagtanggi sa ang mga ito dahil lamang sa kanilang timbang.
Tags: LTFRB
METRO MANILA – Hinimok ng ilang mga Kongresista ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) na payagang makabyahe ang mga unconsolidated jeepney kahit natapos na ang deadline ng franchise consolidation.
Nanawagan sila na huwag gawing sapilitan ang franchise consolidation.
Ayon naman kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, pag-aaralan nila ang swestyon ni Rizal 3rd District Representative Jose Arturo Garcia Jr. na payagan na lang muna ang mga ayaw talagang magpa-consolidate.