Grupo ng mga nurse, dismayado sa pag-veto ni Pangulong Aquino sa comprehensive nursing law

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 10465

PNOY
Dismayado ang grupo ng mga nurse sa bansa dahil sa pag-veto ni Pangulong Aquino sa comprehensive nursing law.

Ito ang panukalang batas na magtataas sa basic pay ng mga nurse sa twenty-six thousand, one hundred ninety-two pesos.

Ayon sa Philippine Nurses Association, possibleng maging sanhi pa ito ng exodus ng mga nurse patungo sa ibang bansa upang doon magtrabaho.

Ayon kay Pangulong Aquino, ang pagtataas sa basic salary ng mga nurse ay maaaaring makaapekto sa financial capacity ng mga public at private hospital.

Posible itong maging dahilan ng pagbabawas ng mga empleyado sa ospital at pagtataas din ng halaga ng serbisyo sa pagpapaopistal at pagpapagamot.

(UNTV RADIO)

Tags: ,