Grupo ng mga manggagawa, nanawagang isa-publiko ang ginagawang imbestigasyon sa apat na opisyal ng SSS

by Radyo La Verdad | November 6, 2017 (Monday) | 2577

Nangangamba ang International League of Peoples Struggle o ILPS na magkaroon ng cover-up sa isinasagawang internal investigation ng Social Security System sa apat nitong opisyal na sinasabing sangkot sa stock trading o pangangalakal ng kanilang stocks sa stockbroker ng ahensya.

Ayon sa presidente ng grupo na si Bong Labog, dapat ay maging transparent ang imbestigasyon at ipaalam sa publiko ang nagiging takbo nito. Nag-aalala ang grupo sa posibilidad na nakompromiso ang pondo ng mga SSS member.

Samantala, nakatakda namang mahain ng resolusyon sa mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong araw si House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Congressman Ben Evardode upang imbestigahan ang umano’y sabwatang nangyayari sa loob ng SSS.

Sa isasagawang imbestigasyong ng Kamara, pag-aaralan nila ang mga posibleng baguhin sa polisiya at charter ng SSS.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,