Grupo ng mga magniniyog, tutol sa ilang bahagi ng Executive Order ukol sa paggamit ng Coco Levy Fund

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 1510
FILE PHOTO: Mga magniniyog ng grupong KM 71 sa kanilang pagmamartsa bilang bahagi ng sa pagsusulong ng panukalang batas upang mapakinabangan ng mga magniniyog ang coco levy fund. (Willie Sy / Photoville International)
FILE PHOTO: Mga magniniyog ng grupong KM 71 sa kanilang pagmamartsa bilang bahagi ng sa pagsusulong ng panukalang batas upang mapakinabangan ng mga magniniyog ang coco levy fund. (Willie Sy / Photoville International)

Hindi kuntento ang grupo ng KM71 Marchers sa inilabas na Executive Orders number  179 at 180 ng Malakanyang kaugnay ng paggamit ng Coco Levy Fund.

Una na dito ang umano’y magiging kawalan ng konsultasyon sa pagbubuo ng roadmap para sa paggagamitan ng Coco Levy.

Isa sa pangunahing ipinaglalaban ng grupo ng mga magniniyog na maibalik sa mga lehitimong magsasaka ang bilyong pisong Coco Levy Fund at assets nito.

Ngunit higit na pinag-aalala nila ang kasiguraduhan na mapupunta mismo sa kanila ang pondo dahil sa isinasaad naman na probisyon sa E.O 179 na privatization ng Coco Levy Assets.

Sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na pahayag ang Malakanyang kaugnay ng naturang hinaing ng grupo ng mga magniniyog maging si Office of the Presidential Adviser for Food Security and Agricultural Modernization Secretary Francis Pangilinan .  ( Nel Maribojoc /UNTV News Senior Correspondent)

Tags: , , ,