Grupo ng mga Lumad, nakipagpulong sa PNP upang linawin na hindi sila miyembro ng CPP-NPA

by Radyo La Verdad | October 18, 2018 (Thursday) | 10198

Nagtungo sa Camp Crame ang isang grupo ng mga Lumad mula sa Mindanao upang makipagpulong kay PNP Chief Oscar Albayalde. Nais ng grupo na linisin ang kanilang pangalan at patunayan na hindi sila miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Mindanao Indigenous Peoples Coalition for Cultural, Justice and Integrity Chairman Lipatuan Unad, madalas na ginagaya sa mga rally laban sa gobyerno ang kanilang mga kasuotan at kultura ngunit hindi nila miyembro ang mga ito. Sa katunayan, marami na ang napapatay sa kanilang hanay dahil sa pagtanggi sa NPA.

Humihingi din ng proteksyon sa PNP ang mga ito laban sa rebeldeng grupo na nagtuturo sa mga kabataan ng paglaban sa gobyerno.

Hindi naman maaaring pagbigyan ng PNP ang hiling na armas ng grupo, sa halip ay ipinangako na lamang ni Gen. Albayalde ang pagbibigay ng seguridad ng mga ito.

Matatandaang una ng sinabi ng AFP na may isasagawang Lakbay Lumad Europe ngayong Nobyembre ang NPA bilang bahagi ng planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos hindi nagtagumpay ang Red October plot nitong Setyembre.

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,