Grupo ng mga jeepney drivers at operators, nagsagawa ng kilos protesta kasabay ng PUJ Modernization consultative Meeting sa DOTC

by Radyo La Verdad | November 2, 2015 (Monday) | 1969

protest drivers

Nagtipon-tipon ang mga grupo ng mga jeepney drivers at operators sa pangunguna NB PISTON Partylist sa harap ng Department of Transportation and Communications kasabay ng gingawang PUJ modernization consultative Meeting ng Kagawaran.

Matatandaang naglabas ang DOTC noong nakaraang buwan ng Department Order para sa modernisasyon ng Public Utility Jeepney.

Nakasaad sa DO na hindi na papayagang bumiyahe ang mga pampasaherong jeep na lampas 15 taon ng rehistrado sa Land Transportation Office.

Ito ay upang bigyan daan na mapalitan ang mga jeep na gumagamit ng diesel ng electronic jeepneys upang masolusyunan din ang lumalalang polusyon sa hangin dahil sa mga buga ng usok mula sa mga pampublikong sasakyan.

Mariing tinututulan ito ng ng mga grupo ng jeepney drivers at operators dahil maapektuhan umano ang kanilang kabuhayan at karamihan sa kanila ay hindi kayang bumili at tutol sa paggamit ng electronic jeepneys o E-Jeepneys.

Pinangangambahan din ng grupo na tinatayang 99% ng mga pampasadang jeep ang aalisin na makakaapekto din umano sa serbisyo para sa mga pasaherong mas may kakayahang sumakay sa PUJs sa bansa. (Aiko Miguel/UNTV-RADIO Reporter)

Tags: , , , ,