Isang petisyon ang inihain sa Korte Suprema ng grupo ng mga guro at staff ng mga kolehiyo at unibersidad upang ipatigil ang pagpapatupad ng K to 12 program.
Para sa Coalition for the Suspension of K to 12 hindi pa handa ang bansa sa implementasyon ng K to 12.
Anila kulang pa ang mga classroom at ibang pasilidad.
Hindi rin sapat ang mga libro, module at instructional materials.
Subalit ang mas mabigat, nasa 50,000 guro ang mawawalan ng trabaho at nasa 30,000 non- teaching personnel ang matatanggal kapag sinimulan na ang full implementation ng K to 12 sa 2016. ( Victor Cosare , UNTV News Correspondent )
Tags: Coalition for the Suspension of K to 12, DepEd, K to 12, Supreme Court