Nananawagan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na ipatupad ng Department of Education (DepEd) ang no make-up classes sa araw ng Sabado.
Ayon sa grupo, walang itong batayan sa ngayon dahil hindi pa naman nagagamit ang tinatawag na “buffer days” o ang mga araw na nakareserba para sa mga make-up classes.
Giit ng grupo, ginagawa na ng mga guro ang kanilang obligasyon mula Lunes hanggang Biyernes at may mga prayoridad din sila sa kani-kanilang tahanan na kailangan din nilang harapin.
Wala na silang oras na gawin lahat ito kapag weekdays, at ang tuwing weekends lang nila itong pwedeng tapusin.
Sapat na rin anila ang oras na nakalaan sa pagtuturo tuwing weekdays at kung may mga batang kailangang tutukan dahil mabagal matuto, may paraan na pwedeng gawin pero hindi kailangang gawin ito ng Sabado.
Aminado naman ang DepEd na hindi basta pwedeng itigil ang Saturday make-up classes.
Batid din umano nila na maraming tutol dito ngunit hindi dapat makompromiso ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )
Tags: DepEd, no make-up classes, Teachers’ Dignity Coalition