Grupo ng mga estudyante at kabataan, dapat umanong isali sa pagbuo ng IRR sa free college education policy – Kabataan Partylist

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 7345

Sinisimulan na ng Department of Budget and Management ang pagbalangkas  sa Implementing Rules and Regulations sa batas na magbibigay ng libreng edukasyon sa mga estudyante sa state universities and colleges sa bansa.

Kabilang sa mga ahensyang kausap ng DBM ang CHED, TESDA at ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education. Subalit ayon sa Kabataan Partylist, dapat ding isali sa konsultasyon ang National Youth Commission at iba pang grupo ng kabataan upang kunin ang kanilang mga opinyon at suhestyon

Inusisa rin ng mga ito ang anila’y pagbabawas sa pondo ng 43 SUCS na posible anilang magbunga ng paninigil ng iba pang mga gastusin sa mga estudyante. Kinwestyon din ng mga ito ang plano ng pamahalaan na sa susunod na taon pa simulan ang pagpapatupad ng free college education at hindi sa second semester ngayong taon.

 

(Asher Cadapan Jr / UNTV Correspondent)

Tags: , ,