Sinabi ng World Health Organization na batay sa pagaaral ng mga eksperto ang cardiovascular disease o ang sakit sa puso ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng tao sa buong mundo.
Sa datos ng WHO, noong 2012 tinatayang umabot sa mahigit labing pitong milyong tao sa buong mundo ang namatay dahil sa sakit sa puso.
Isa ang Pilipinas sa mga bansa, na marami ang bilang nang namamatay dahil sa cardiovascular disease
Ang sakit sa puso ay may mga klasipikasyon, at isa sa mga ito ang segment elevation infraction o mas kilala sa tawag na stemi.
Ang stemi ay isang uring atake sa puso, kung saan nagkakaroon ng pagbabara sa coronary artery na pumipigil sa maayos na suplay ng dugo sa puso.
Ayon sa mga doktor, isang paraan upang malunasan ang ganitong uri ng sakit ay ang angioplasty treatment.
Sa kasalukuyan tinatayang nasa 350 hanggang 400 thousand pesos ang kabuoang halaga ng naturang treatment at 40 thousand pesos lamang ang package rate na iniaalok ng philhealth para dito.
Kaya naman marami sa ating mga kababayan na may stemi ang namamatay dahilsasobrang mahal na gamutan.
Dahil dito, umapela ngayon ang ilang cardiologist sa Philhealth na itaas ang package rate sa angioplasty treatment.
Sa assestment ng ilang doktor, malaking tulong kung maitataas ng hanggang sa 250 thousand pesos ang halaga ng package rate para sa angioplasty treatment.
Sa record ng up-pgh noong 2011 hanggang 2014 umabot sa 44 na pasyenteng may stemi ang kanilang natanggap,
Sa kasamaang palad wala sa mga ito ang naka-avail ng angioplasty treament dahil hindi kaya anggastos.
Nangako naman ang pamunuan ng Philhealth na pagaaralan ang nasabing panukala ng mga doktor.
(Joan Nano/UNTV News)
Tags: cardiovascular disease, Philhealth package, World Health Organization