Grupo ng 4Ps beneficiaries, hiniling ang malalimang background check sa mga tatanggalin sa listahan ng DSWD

by Radyo La Verdad | July 14, 2022 (Thursday) | 3687

METRO MANILA – Bagaman sang-ayon ang mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipno Program (4Ps) sa plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na paglilinis ng listahan ng 4Ps.

Bagaman sang-ayon ang mga miyembro ng 4Ps sa plano ng DSWD na paglilinis ng listahan ng 4Ps, iginiit ng Samahan ng Nakakaisang Pamilyang Pantawid, na dapat tingnan mabuti  ang background ng mga benepisyaryo na posibleng matanggal sa listahan ng mga tumatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ayon sa grupo, dapat tiyakin ng DSWD na makatwiran ang proseso sa pagsusuri ng listahan at dapat nakabatay sa kakayahan ng isang pamilya.

Ipinunto rin ng mga ito na dapat ikonsidera ang naging epekto ng COVID-19 pandemic, dagdag pa ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Kasama rin anila sa dapat sigurihin ng DSWD ang maayos na sistema sa grievance, para matukoy kung sino sa mga 4Ps ang tumutugon sa mga kondisyon ng gobyerno at sino rin ang mga sumusuway dito.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo sa ngayon nasa P15-M ang populasyon ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Mula sa bilang na ito nasa 4.4 million lamang ang nasa listahan ng 4Ps  dahil sila lamang ang kayang pondohan sa ilalim ng programa.

Habang mayroon pang higit 10 milyong mahihirap na pamilya ang nasa waiting list at naghihintay na makasama sa mga benepisyaryo.

Ayon kay Secretary Tulfo posibleng daang libo ang kanilang tatanggalin sa listahan, partikular na ang may kakayahan nang mamuhay kahit walang tulong na matatanggap mula sa gobyerno.

Kaugnay nito binantaan rin rin ng kalihim ang mga 4Ps na ginagamit  ang pera sa pagsusugal, pag-inom ng alak sa halip na gastusin para sa pangangailangan ng pamilya.

Nagbabala rin ng kalihim ang mga loan shark na umano’y tumatanggap ng mga isinasanglang cash cards.

(Aileen Cerrudo | UNTV News)

Tags: ,