Groundbreaking ceremony ng Masinag extension ng LRT 2, isasagawa ngayong araw

by dennis | June 9, 2015 (Tuesday) | 1964
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Magdaraos ng groundbreaking ceremony ang Department of Transportation and Communications at Light Rail Transit Authority (LRTA) para simulan ang pagpapatayo ng LRT Line 2 East Extension Project sa Santolan Station ngayong araw.

“The LRT-2 system is a crucial transportation service that hundreds of thousands of passengers rely on. We are pleased to extend its scope to even more stakeholders in the eastern part of Metro Manila, many of whom go into the metropolis for work and school on a daily basis,” pahayag ni DOTC Secretary Jun Abaya.

Ang nabanggit na proyekto ay nagkakahalaga ng P2.27 billion at 4.2 kilometers ang madaragdag sa LRT Line 2 na aabot hanggang sa Masinag, Antipolo City. Target ng DOTC na maging operational ang naturang extension sa ikatlong bahagi ng taong 2017.

Bukod kay Abaya, pangungunahan din ni LRTA Administrator Honrito Chaneco ang gaganaping groundbreaking ceremony kasama ang mga kinatawan ng D.M. Consunji, ang contractor ng naturang proyekto.

Sakop ng proyekto ang pagpapatayo ng apat na kilometrong elevated viaduct mula Santolan, Pasig City hanggang Masinag sa Antipolo City. Dalawang karagdagang istasyon ang itatayo; ang Emerald Station sa Cainta, Rizal at ang Masinag Station sa Masinag Junction sa Antipolo City.

Tags: , , ,