Green lane na dinadaanan ng mga kargamento sa BOC, pansamantalang sinuspindi ni Comm. Lapeña

by Radyo La Verdad | September 7, 2017 (Thursday) | 1733

Sa yellow at red lane classification muna padaraanin ng Bureau of Customs ang mga kargamentong pumapasok sa bansa. Ito ay matapos suspindihin ng bagong BOC chief na si Commissioner Isidro Lapeña ang paggamit ng green lane sa pagsusuri ng mga kargamento.

Kailangan muna aniyang pag-aralan at ayusin ang sistema upang magamit ito ng tama. Kapag naisaayos na ang sistema sa naturang shipment classification system ay muli itong gagamitin ng kawanihan.

Sa ilalim ng sistema ng BOC, lahat ng mga inilalagay sa “super green lane” ay mga kargamento mula sa mga multinational company na may magandang track record at maayos na negosyo.

Sa “green lane” naman ay ang mga hindi na kinakailangang dumaan sa iba pang pagsusuri tulad ng x-ray o physical examination basta’t maayos ang kanilang mga papeles.

Ang mga cargo naman sa ilalim ng yellow lane ay dapat na dumaan sa verification, habang ang nasa “red lane” ay obligadong idaan sa x-ray at inspection.

Matatandaang lumabas sa ilang ulat na posibleng dumaan sa green lane ng BOC ang shipment na naglalaman ng mahigit anim  pisong halaga ng shabu na nakumpiska sa Valenzuela City

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,