Granting ng P2-Million worth of wishes, sinimulan na ng WISH 107.5

by Radyo La Verdad | February 5, 2018 (Monday) | 7371

Wish come true para sa mga wishers ang isinagawang 2million times 2 celebration ng WISH 107-5 sa Centris Open Grounds noong Biyernes.

Bukod sa enjoyment sa free musical entertainment na handog ng OPM Artists at bands, inspirasyon din ang hatid ng istasyon sa pagsisimula ng granting ng two million pesos worth of wishes bilang pasasalamat sa kanilang two million youtube subscribers.

Tulad na lamang ni Sharmaine Villamater mula sa Mandaluyong na nabigyan ng wheelchair para sa kanyang 84-year old father-in-law na limang taon nang hindi nakakalakad.

Marami namang tao ang mapapasaya ng catering services package na hiling ni Mary Joy Galias para sa mga street children at ni Jericho Jerome Altares para sa kanyang mga inaalagaang pasyente sa National Center for Mental Health. Dahil dito, labis-labis ang pasasalamat ng wishers sa FM station with a heart.

Noong Biyernes, 22 wishes ang na-grant ng istasyon. Magpapatuloy pa ang wish granting sa loob ng dalawang buwan.

Samantala, nagpaabot din ng pagbati ang OPM Artists sa two million youtube subscriber-milestone ng istasyon.

Sa kasalukuyan ay mayroon na rin itong mahigit 850 million views sa loob lamang ng tatlong taon at kalahati mula nang ilunsad ang channel.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,