Pormal nang binuksan ang grand kick off ng Brigada Eskwela ngayon araw ng Lunes na pinangunahan ni outgoing Department of Education Armin Luistro.
Ala-sais ay nagsimulang magsagawa ang DEPED ng caravan mula sa Aritao National High School hanggang sa Pingkian High School sa bayan ng Kayapa, Nueva Vizcaya.
Alas siyete ng umaga dumating ang mga magulang, studyante, mga volunteers galing sa iba’t ibang eskwelahan sa naturang lalawigan kasama ang iba’t ibang ahensiya ng lokal na pamahalaan.
Labing apat na taong nang ginagawa ng DEPED ang Brigada Eskwela.
Taunang ginagawa ng DEPED ang Brigada Eskwela na layuning maihanda ang mga paaralan bawat pasukan upang huwag nang maabala sa paglilinis ang mga mag-aaral sa pagsisimula ng klase.
Napili ng kalihim ng edukasyon na dito ganapin ang Brigada Eskwela dahil gusto ng kalihim na makita ang mga mag aaral dito kung saan may 100% indigeneous learners.
Sinabi ni Sec. Armin Luistro na noong 2011 aabot sa 3.4 bilyon ang nalikom na donasyon para sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela.
Pero ang pinakamahalaga umano dito ay bilang ng mga mamamayang tumutulong o boluntaryo na tumutulong sa brigada mula 5.4 noobg 2011 ay halos dumoble sa 8.7 na ang bilang ng volunteers noong 2015.
Samantala nagbigay din ang ilang kilalang kumpanya ng 50 bisikleta para sa mga magaaral ng Pingkian na mahihirap at malalayo ang pinanggagalingan para pumasok sa eskwela.
40 na mga magaaral din ang nabigyan ng solar lamp para sa mga magaaral na nakatira sa kabundukan na di abot ng serbisyo ng kuryente.
Napapalibutan ang paaralan ng sapa at ilog karamihan sa mga magaaral dito ay galing sa kabundukan kung saan ang pinakamalayong nilalakbay ng mga magaaral dito at 3-4 na oras.
Bago makarating sa paaralan ay dadaan muna ang mga magaaral sa napakahabang hanging bridge.
(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)
Tags: brigada eskwela 2016, DepEd, Grand kick-off, Nueva Vizcaya