METRO MANILA – Hinihintay na lamang ng Department of Education (DepEd) ang approval ng department of health sa inilatag nitong adjustments sa guidelines ng limited face-to-face classes sa mga paaralan sa mga lugar na nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1.
Ayon kay Director Roger Masapol, Planning Service Director ng DepEd, ngayong bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa, nais nilang luwagan pa ang mga restriksyon sa mga paaralan upang mas marami pang makasama sa progressive expansion phase ng limited face-to-face classes.
Gayunman, mananatili pa rin ang pagpapatupad ng minimum public health standards sa mga paaralan gaya ng pagsusuot ng facemask, physical distancing at limited operation capacity
Bukod dito, pinag-aaralan na rin ng kagawaran ang gradwal na pagbabalik sa pre-pandemic face-to-face classes bago matapos ang taon.
As of March 1, nasa 4,315 na na mga pampublikong paaralan ang nakabalik na sa limited face-to-face classes
Habang 76 naman mula sa private schools ang nakabalik narin sa physical learning.
Umaasa naman ang DepEd na lahat na ng mga paaralan ay makabalik na sa limited face-to-face classes bago magtapos ang school year 2021-2022.
(Janice Ingente | UNTV News)
Tags: DepEd, face-to-face classes