Graduation rites, ipinagbabawal na gamitin sa pangangampanya ng mga politiko base sa polisiya ng DepEd

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1801

deped-facade
Mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Education na gamitin ng mga politiko sa pangangampanya ang isasagawang graduation rites ng mga paaralan ngayong Marso.

Base sa polisiya ng Department of Education, ipinagbabawal na gamitin ng isang politiko sa pangangampanya ang pagdalo sa graduation ceremonies.

Maaari namang maimbitahan ang isang politiko kung ito ay isang alumni ng paaralan ngunit hindi siya maaaring magpahayag ng kaniyang kandidatura at plataporma sa naturang event.

Samantala, muling nagpaalala ang Department of Education sa mga pamunuan ng mga Eskwelahan na gawing simple ang Graduation Ceremonies

Hindi din sapilitan ang paggamit ng toga sa graduation dahil akma naman ang mga school uniforms ng mga estudyante sa programa.

Ipinahayag din ni DepEd Asst. Sec. Jesus Mateo na hindi kailangang maging magarbo ang isang graduation upang ito ay maalala ng mga magsisipagtapos.

Malaki rin umano ang operating expenses at pondo na inilaan ngayong school year sa mga paaralan kaya hindi na dapat umano pagbayarin pa ng graduation fees ang mga magulang ng mag-aaral na magtatapos ngayong taon.

(Aiko Miguel / UNTV

Tags: , ,