Graduates mula sa 4Ps program ng pamahalaan, binigyan ng special lane sa job fair.

by dennis | May 1, 2015 (Friday) | 1271

viber image10

Sa isinigawang nationwide job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Labor Day, binigyang pagpapahalaga ang mga aplikante na nagmula sa Pantawid Pamilya Program o 4ps sa pamamagitan ng paglalagay ng isang special lane para sa kanila.

Ayon kay DOLE USec. Reydeluz Conferido, ito ay ginawa nila upang mabigyan ng mas magandang oportunidad ang mga naging bunga ng 4ps.

“Yung nga grumaduate sa 4Ps, alam naman natin na matindi ang suportang binigay ng gobyerno sa kanila , so para din to job start, we are trying to provide affirmative action to support 4ps para mabigyan sila ng mas magandang opportunity.”

Nagpasalamat naman si Marlon Niserio na naging benepisyaryo ng 4Ps dahil siya ay napabilang sa sa mga aplikante na referred na for interview sa kumpanyang plano niyang pasukan.

Sa tala naman ng DOLE, as of 12 noon dito sa Philippine International Convention Center (PICC), 153 applicants ang nanggaling sa 4Ps at 3 sa kanila ay hired on the spot.(Meryll Lopez/UNTV Radio)