Kahit wala pang pahayag kung tatakbo sa mataas na posisyon si Senador Grace Poe, nanguna ito ngayon sa pagka-presidente sa halalan sa 2016 batay sa latest survey ng Pulse Asia.
Sa naturang survey, nakakuha ng 30% preference rating si Poe habang 22% lang kay Vice President Jejomar Binay.
Bumaba ang rating ni VP Binay ng pitong porsyento, mula 29% noong nakaraang Marso hanggang 22% na lamang ngayong buwan.
Nasa pangatlong puwesto naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 15% habang 10% lamang kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.
Isinagawa ang nasabing nationwide survey noong Mayo 30 hanggang Hunyo 5 na nilahukan ng 1,200 respondents na tinanong kung sino ang iboboto ng mga ito sakaling isagawa na ang eleksyon sa pagka-pangulo.(Jerico Albano/UNTV Radio)
Tags: Grace Poe, Jejomar Binay, presidential survey, Pulse Asia, VP Binay