Grace period sa panghuhuli ng mga E-bike at E-trike sa national roads, pinalawig pa ng isang Linggo

by Radyo La Verdad | May 21, 2024 (Tuesday) | 20332

METRO MANILA – May dagdag na 1 Linggong pataan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga E-bike at E-trike na dadaan sa national roads.

Ayon sa MMDA, sa susunod na Lunes, May 27 na nila sisimulan ang panghuhuli, paniniket, at pag-iimpound ng mga E-bike at E-trike.

Ipinaliwanag ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Don Artes napagdesisyunan ng ahensya na magsagawa pa ng 1 Linggong information drive.

Noong April 18 nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan pa ng 1 buwan na grace period ang mga E-bike at E-trike user dahil sa kakulangan ng awareness at daing na masyadong mataas ang multa na aabot sa P2,500.

Ayon sa MMDA, nabawasan na ang mga E-bike at E-trike users na nagtatangkang dumaan sa national roads sa loob ng nakalipas na 1 buwan na grace period.

Sa oras na maniket ang MMDA, 1,000 ang magiging multa sa mga E-bike at E-trike users kung meron silang dalang driver’s license habang 2,500 naman kung walang lisensya at ma-iimpound pa ang kanilang sasakyan

Tags: