Nakatakdang magpulong mamayang hapon ang Government Peace Panel sa Malakanyang kaugnay ng gagawing back channel meeting sa National Democratic Front sa July 21 hangggang 22 sa Oslo, Norway.
Ito ang inihayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa programang Get it Straight with Daniel Razon kanina.
Ayon kay Dureza, pangungunahan ito ni Chief Negotiator Secretary Silvestre Bello III.
Agenda sa nasabing back channel talk ang gagawing hakbang ng magkabilang panig upang umusad na ang ika-limang round ang usapang pangkapayapaan sa mga kumunistang grupo.
Pangungunahan naman ang panig ng CPP- NPA – NDF Nina Fidel Agcauli, Joma Sison at Louie Jalandoni.
Samantala, ngayong gabi rin ay may pulong si Dureza sa Cordillera Peoples Liberation Army para sa pagtatatag ng Cordillera Autonomous Region.
May schedule din ng meeting ang palacio kay MILF Founder Chairman Nur Misuari upang pag-usapan magiging bahagi nito sa BBL.
Tags: government peace panel, Norway