GPH Peace Panel Chief at Labor Secretary Bello, di pa rin nawawalan ng pag-asa na magkakaroon muli ng usapang pangkapayapaan sa mga makakaliwang grupo

by Radyo La Verdad | December 8, 2017 (Friday) | 2247

Matapos na pormal na itigil ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at makakaliwang grupo,

Gayundin ang proklamasyong nagdedeklara bilang teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines- New People’s Army, umaasa pa rin si Government Peace Panel Chief at Labor Secretary Silvestre Bello na muling magkakaroon ng formal peace talks ang magkabilang panig.

Ayon pa sa opisyal, di nagbabago ang kaniyang paniniwala na kung magpapakita ng sinseridad ang CPP-NPA, maaaring makumbinsi si Pangulong Rodrigo Duterte na muling makipagpayapaan sa mga ito.

Tiwala naman ang opisyal na kaya ng government Security Forces na panatilihin ang seguridad at kapayapaan sa bansa.

Sa kabila ito ng banta ng NPA na mas maigting na mga pag-atake laban sa mga tauhan ng militar at pulisya.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,