GPH at NDF Peace Panel, muling nagbalik sa negotiating table para sa 4th round ng peace talks

by Radyo La Verdad | April 4, 2017 (Tuesday) | 1407


Aminado ang government at National Democratic Front Peace Panels na hindi magiging madali sa pagkakataong ito ang magiging talakayan sa usapang pangkapayapaan.

Ito ay kasunod ng mga inilatag na kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bago pa man magsimula ang ika-apat na round ng formal peace talks.

Pangunahin na rito ang pagkakaroon ng pirmadong bilateral ceasefire agreement.

Ngunit sa opening statement ni NDF Peace Panel Chairman Fidel Agcaoili, iginiit nito na bago ang joint ceasefire, dapat munang lagdaan ang comprehensive agreement on social and economic reforms upang maresolba ang ugat ng kahirapan sa bansa.

Hinikayat naman ni Government Peace Chief Negotiator Sec. Silvestre Bello The Third ang kabilang panig na agad resolbahin ang matagal ng armed conflict sa bansa.

Samantala, inihayag naman kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aniya’y kawalan ng progreso ng peace talks.

Ayon sa pangulo, nakahanda siyang gamitin ang buong pwersa ng militar laban sa mga rebeldeng komunista sakaling hindi ito tuluyang mipagkasundo para sa pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

(Rosalie Coz)

Tags: , , , ,