Gov’t workers na nagpositibo sa iligal na droga, bibigyan ng ikalawang pagkakataon bago tanggalin sa serbisyo – DOH

by Radyo La Verdad | May 19, 2017 (Friday) | 2003


Nakikipag-coordinate ngayon ang Department of Health sa lahat ng government agencies upang makapagsagawa ng random drug testing sa lahat ng bureaucracy sa bansa.

Ito ay bilang suporta sa kampanya ng Duterte Administration kontra ilegal na droga.

Ang sinomang magpositibo sa isasagawang random drug testing ay isasailalim muna sa intervention gaya ng rehabilitation at maaaring ma-dismiss sa serbisyo kung magpositibo pa rin matapos ma-rehab.

Noong nakaraang taon ay nagbigay ng limang milyong piso pondo ang DOH sa bawat rehiyon para sa random drug testing.

Samantala naghahanap naman ngayon ang provincial government ng bohol ng lugar upang pagtatayuan ng drug rehabilitation.

Isa sa mga tinitingnang lugar ngayon ay ang Cortes, Bohol kung saan mayroong bahagi na pagmamay-ari ng pamahalaan.

(Gladys Toabi)

Tags: , ,