Inumpisahan na kahapon nang government forces sa Marawi City ang pagsasagawa ng surgical airstrikes sa mga lugar na tiyak na pinagkukutaan ng Maute Group.
Ito ay upang mas mabilis na masupil ang mga rebelde.
Sa isang video kitang- kita pa ang isang motorcycle rider na may angkas na matanda na may mga itintuturo sa mga militar sa isang lugar syudad.
Nang makalagpas ang mga ito ay nagsimula ng magpaputok ang mga kawani ng militar.
Pinaniniwalang hindi bababa sa limampung Maute members pa ang tinutugis pa ng AFP.
Payo ng militar sa mga residente na hangga’t maaari ay umalis o lumayo sa lugar.
Ngunit hirap naman ang residente na lumikas dahil walang mga pampasaherong sasakyang maaring makapaghatid sa kanila sa mga lugar na walang kaguluhan gaya ng Iligan, Cagayan de Oro at Davao City.
Samantala sa kabila ng patuloy na kaguluhan may ilan paring residente na piniling manatili loob ng Marawi City.
(Dante Amento)
Tags: Gov’t troops, Marawi, mga bandido, surgical airstrikes