MILF at Gov’t Peace Panel naglabas ng isang open letter upang pakiusapan ang kongreso na ipasa na ang BBL

by Radyo La Verdad | November 30, 2015 (Monday) | 1614
file photo
file photo

Isang open letter ang pinadala ng Government Peace Panel at MILF sa Kongreso upang hilinging ipasa na ang Bangsamoro Basic Law at huwag nang magsayang ng panahon.

Ayon sa sulat ang pagsasasabatas ng BBL ay magreresulta sa pagsuko ng libo-libong armas at rebelde mula sa MILF.

Binigyang diin pa nito kung magkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao malaki ang pagkakataon na hindi ito mapasok ng mga terrorist group gaya ng ISIS.

Sa ngayon mayroon na lamang 3 linggo ang Kongreso bago ang session break sa December 17.

Simula noong nakaraang lunes hindi parin napag-uusapan ang BBL dahil sa kawalan pa rin ng quorum.

Ang BBL ay nakasalang pa rin sa period of interpellation and debate sa plenary at may mahigit 10 kongresista pa ang nakatakdang kumwestion sa nilalaman ng panukalang batas.

Tags: , ,