Matapos ang 39 na taon, muling nakapasok ng Western Conference Finals ang Golden State Warriors matapos nitong lampasuhin ang Memphis Grizzlies sa score na 108-85 sa Game 6 ng kanilang Western semifinals.
Umiskor ang reigning NBA MVP na si Stephen Curry ng 32 points kabilang ang isang 62 footer buzzer beater na kasama sa kanyang kabuuang walong three pointers para pangunahan ang Warriors sa pagpasok ng West Finals na huli nilang natikman noon pang 1976.
Limang iba pang Warriors ang umiskor ng double digits. Nagambag si Klay Thompson ng 20 points, 16 points naman mula kay Draymond Green, 13 kay Harrison Barnes at 10 points naman mula kay Shaun Livingston.
Samantala, pinangunahan naman ni Marc Gasol ang Memphis sa kanyang 21 points at 15 rebounds, 16 naman ang mula kay Vince Carter, 15 din ang iniambag ni Zach Randolph, 12 points kay Courtney Lee at 11 naman kay Mike Conley.
Inaabangan na lamang ng Golden State ang magiging resulta ng Game 7 sa pagitan ng Los Angeles Clippers at Houston Rockets.(UNTV Radio)
Tags: Golden State Warriors, Memphis Grizzlies, NBA Western Conference, Stephen Curry