Matagumpay na naisagawa ang special elections sa Barangay Gabi sa Cordova, Cebu noong Sabado.
Nakaranas man ng paper jam ay agad itong nasolusyunan.
Katulad nang election day ay sinimulan ito alas sais ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Bandang alas sais imedya naman ng gabi nang matanggap ng Provincial Board of Canvassers ang transmission nito mula sa municipal level.
Sa official result ng PBOC ay nakakuha si incumbent Governor Hilario Davide III ng 616, 383 votes habang 593, 725 naman ang kay gobernatorial candidate Winston Garcia.
Kaya sa parehong araw opisyal na iprinoklama si Davide bilang gobernador sa probinsya ng Cebu dahil di na ito naka apekto sa kabuuang boto ba nakuha ng gobernador sa lalawigan.
Ito na ang huling termino ni Davide at tiniyak nito na magpapatuloy ang serbisyo nila sa publiko.
Idinagdag din nito na magpapasakop ang pamahalaan ng Cebu sa panibagong administrasyon at maihahalal na pangulo bagaman hindi nila ito kaalyado.
Nagpasalamat naman si Governor Davide III sa patuloy na suporta at tulong ng mga Cebuano sa kanya.
(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)
Tags: Cebu, Gobernador