Go-Duterte tandem, pormal nang nai-proklama ng PDP-Laban para sa 2022 elections

by Erika Endraca | September 9, 2021 (Thursday) | 1740

METRO MANILA – Opisyal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon sa kaniya ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) para tumakbo bilang bise presidente sa 2022 national elections.

Inunsyo ito ng partido sa kanilang national convention kahapon (sept. 8) sa Pampanga.

“Alam mo kung bakit ako tatakbo ng vice presidency is it ambition, maybe but is it really a sense of love of country yes, is it really because see really the continuity of my efforts, even if I am not the one giving the directions baka makatulong lang ako alam ninyo na alam natin na ang problema droga pa rin, terorismo, nandiyan ang NPA ” ani Pres. Rodrigo Duterte.

Pero si Senator Bong Go opisyal na idineklara ng partido na kandidato nito sa pagkapangulo sa halalan, muling tumanggi sa alok ng PDP Laban Cusi faction.

“Subalit, inuulit ko, hindi po ako interesadong tumakbo sa pagka-pangulo sa darating na halalan. Nakatutok po ang buong puso at isipan ko sa pagseserbisyo sa aking kapwa at wala po akong hangarin na makipagkumpitensya sa pinakamataas na posisyon sa bansa.unahin niyo na lang po ang may gusto. Ang importante ay hanapan natin ng katimbang si pangulong Duterte upang maipagpatuloy ang pagbabago.” ani Sen. Christopher “Bong” Go.

Bukod sa kanilang presidential at vice presidential bet, ipinirisinta na rin ng partido ang kanilang senatorial lineup. 4 dito ay party members at 4 ang guest candidates. Karamihan sa mga ito ay miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,