Isang gintong toilet bowl ang ini-install ng artist at sculptor na si Maurizio Cattelan sa isang banyo ng Guggenheim Museum sa New York City.
Batay sa anunsyo ng museum, hindi lang pang-display ang 18-karat gold toilet dahil papayagan ang mga bisita sa museum na gamitin ito sa alinmang paraang gusto nila.
Layon ng exhibit na iparanas sa publiko ang isang “extravagant luxury” na tila nakalaan lamang sa isang porsyento ng populasyon.
Iniimbitahan ng museum ang mga art viewers na subukan ang individual at private experience ng paggamit ng golden toilet na anila’y isang bagong karanasan ng art intimacy.
Tags: Gintong toilet bowl, isang museum sa New York, magagamit ng mga bibisita