Ginang na sumakit ang tiyan at nahirapang huminga sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 6, 2015 (Thursday) | 2136

TMBB BAGUIO
Nagro-roving sa Baguio City ang UNTV News and Rescue Team kagabi ng mapansin ang isang lalaki.

Humihingi siya ng tulong upang madala sa ospital ang kanyang asawa na nahihirapang huminga at idinaraing ang matinding pananakit ng tiyan.

Ayon sa lalaki, matagal na silang nag-aabang ng sasakyan sa kalsada upang maihatid sa pagamutan ng kanyang asawa nang makita niya ang mobile ng UNTV News and Rescue.

Agad namang tinulungan ng grupo ang ginang na kinilalang si Rochelle Gravador, 32-taong gulang.

Noong lunes pa umano sumasakit ang tiyan ng ginang subalit kagabi lang sila nagpasyang pumunta sa ospital dahil nahihirapan na itong huminga.

Sinasabing may dati nang gastritis at sakit sa bato ang babae ngunit hindi nila tiyak kung ano ang dahilan ng karamdaman nito.

Habang nasa biyahe ay inassess ng rescue team ang vital signs ng ginang hanggang sa maihatid sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Tags: