Giant panda, masisilayan ng malapitan sa Zoo Negara sa Malaysia

by Radyo La Verdad | February 12, 2018 (Monday) | 5465

Mahigit isang daang ektarya na limang kilometro lamang mula sa Kuala Lumpur, Malaysia matatagpuan ang Zoo Negara. Dito ay makikita ng malapitan si Xing-Xing, ang kanilang male giant panda bear.

Ayon sa mga scientist, dahil sa “teddy bear” looks ng mga panda, nawiwili tayong masdan sila , huli nila agad ang ating “cuteness receptors” kung tawagin.

Ang salitang panda ay galing sa Napalese word na “poonya” na ibig sabihin ay bamboo eating animal.

Kahit matigas ang kawayan na kanilang kinakain ay hindi sila nasusugat dahil dinisenyo ng Maykapal ang kanilang lalamunan na mayroong special linning.

Na-ikwento naman sa amin ng Deputy President kung bakit si Xing-Xing lang ang nasa public display nila ngayon, dahil ang asawa nitong female giant panda na si Liang-Liang ay nagpapahinga kasama ang 2nd baby panda nila.

Tatlong araw lang sa loob ng buong taon ang mating season ng mga giant panda, kaya hindi madali upang sila’y maparami. Kaya naman sila ay nasa listahan ng endangered species.

Kaya isa ang Zoo Negara sa mga zoo sa buong mundo na may fastest record na mag-paanak ng mag-asawang giant panda.

Hindi man nila kaya ang Kung Fu moves gaya ni “Po” sa cartoons na Kung Fu panda, ngunit alam nyo bang mahusay silang umakyat ng puno kahit pitong buwan pa lamang sila?

Kaya problema mong iniinda, ay ma iset aside dahil magaling ang panda magpagood vibes.

 

( Bryan Evangelista / UNTV Correspondent )

Tags: , ,