Geographic information system, gagamitin na ng pagasa kapag may mananalasang bagyo sa bansa

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 4162

gis
Mapabibilis na ang proseso ng paggawa ng ilalabas na babala ng pagasa kaugnay sa paparating na bagyo sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng Geographic Information System o GIS kung saan magiging automated na ang pagmamapa sa mga lugar na itataas ang babala o signal ng bagyo.

Sa dating pamamaraan ay manumano ang paglilista na ginagawa ng mga forecaster sa pagtukoy ng mga lugar na maapektuhan ng bagyo.

Magiging color coded na ngayon na makikita sa mapa ang mga lugar na nakataas ang babala ng bagyo.

Kulay asul ang signal #1, yellow sa #2, orange sa 3 yellow sa signal #4 at violet naman sa 5.

Agad ring lalabas ang listahan ng mga lugar na nakataas ang babala ng bagyo hanggang sa municipal level.

Sa pagtama ng bagyong ambo sa bansa ay nagpasimula na ring maglabas ang PAGASA ng bulettin kada 3 oras upang madalas marinig ng publiko ang lakas ang direksyon na pupuntahan ng bagyo.

(Rey Pelayo/UNTV Radio)

Tags: