METRO MANILA – Di na mababalik sa normal na pamumuhay ang bansa bago magkaroon ng Coronavirus Disease pandemic hangga’t wala pang bakuna laban sa nakahahawa at nakamamatay na sakit.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang General Community Quarantine (GCQ) na ang magiging new normal.
Sa mga may low to moderate risk areas ng COVID-19, unti-unting bubuksan ang mga sektor ng industriya simula May 1, 2020.
Subalit, kinakailangang masunod muna ang lahat ng pamantayan sa seguridad at kalusugan o ang tinatawag na minimum health standards.
Kabilang na ang physical distancing at good hygiene.
Samantalang sa metro manila at iba pang high risk areas, mananatili ang mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Dagdag pa ng palace official, tatalakayin niya ngayong Linggo ang mga panuntunan kaugnay ng new normal sa ilalim ng General Community Quarantine.
( Rosalie Coz | UNTV News)