GCash umaksyon vs Text Scam

by Radyo La Verdad | September 9, 2022 (Friday) | 840

METRO MANILA – Sinimulan na ng mobile wallet application na GCash na itago ang letra ng pangalan ng accounts sa bawat transaksyon sa kanilang online system.

Ginawa ng GCash ang hakbang kasunod ng paglaganap ngayon ng mga personalized text scam.

Kung dati ay makikita ang buong pangalan ng account na padadalhan ng pera, ngayon pinalitan na ng asterisk ang ilan sa mga ito.

Gayunman makikita pa rin ang buong pangalan, kapag ini-screen shot na ang resibo ng transakyon.

Ayon sa GCash, tanging sa text message na lamang nila ipadadala ang confirmation messages sa pamamagitan ng in-application inbox.